Nagkaroon ng magkakasunod na forced eviction sa bahay ni Kuya sa unang dalawang linggo ng PBB Teen Clash, una dito ay si Maichel na sinundan ni Eslove. Sa pag-alis ng dalawang housemate ay pumasok sa bahay si Jovic Susim- ang Diplomatic Son of Albay bilang kapalit ng dalawa.
Namatay ang unang asawa ng ina ni Jovic kung saan may tatlong nakakatandang kapatid si Jovic dito. Mula naman sa isang political clan sa Albay ang kanyang tatay. At tulad ng kanyang ama ay pangarap rin ni Jovic ang makapaglingkod sa bayan. Pero dahil siya ay bata pa, ine-enjoy ng tall, dark and handsome basketball varsity player na ito ang kanyang kabataan sa sari-saring sports tulad ng basketball at golf. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Consular and Diplomatic Affairs sa isang prestihiyosong paaralan.
Maliban sa pagiging mahusay na basketball player ay magaling din sa mga impromptu speech si Jovic, isang talentong minana niya sa kanyang ama.
Magkahiwalay na ang mga magulang ni Jovic, ang tatay niya ay kasalukuyang naninilbihan sa taong bayan sa Bicol samantalang nakatira naman si Jovic sa kanyang ina dito sa Maynila.
For more info click here.
Nickname: Jovic
Status: Evicted
Real Name: John Victor Monsod Susim
Origin: Bicol
Age:
Birthdate: November 20
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Playing basketball, Watching TV, Internet
Favorite Color: Violet
Favorite Food: Sinigang
Favorite Show: Wowowee, Telenovela, NBA
Favorite Actor:
Favorite Actress:
Favorite Singer: Eraserheads



0 comments: